Linggo, Nobyembre 3, 2013

KWENTO NG ISANG MAGULANG




" KWENTO NG ISANG MAGULANG "

by: Ernie Erisghel Tanafranca Trespalacioreal


Huwebes ng hapon noon, galing ako sa isang birthday party… pagkatapos tumunga ng dalawang bote ng beer ay nagpaalam na ako…. mukha kasing uulan, ayokong maabutan ng ulan sa daan. Anak ng pitong kamalasan, tumirik ang kotse ko sa daan… no choice kailangan kong bumaba para ayusin ang makina. Sobrang malas talaga at naiwan ko ang gamit ko, nag uumpisa ng pumatak ang ulan… kung bakit kasi hindi agad sinauli ng kumpare ko na nanghiram ang mga gamit ko sa pag-aayos ng kotse. May natanaw akong isang bahay, nagbakasakali akong tumawag… lumabas ang isang matandang lalaki, siguro mga 70 yrs old na…

“ Magandang hapon po ‘tay, nasiraan po kasi ako eh, di ko po nadala ang gamit ko baka po may lyabe kayo ay pliers jan?” ngumiti sya sa akin, maya maya at bumalik at may bitbit na bag at dalawang payong, iniabot sa akin. Sumama pa sya sa akin sa aking kotse… malaki ang deperensya, mukhang tinamaan nga ako ng napakalaking malas. Inaya ako ng matandang magkape muna sa kanila, medyo malamig nga at basa na rin ako ng ulan kaya sumama ako.

Pagpasok namin ng bahay ay nakita ko na hindi maayos iyon… sabi nya pasensya na daw ako kasi nag-iisa sya. Roman daw ang pangalan nya, dating dyipney driver. Umupo ako sa sala, maalikabok yun… pumunta sa kusina ang matanda siguro magtitimpla ng kape, ayoko na sana kasi iika-ika na sya, hindi na masyadong makalakad pero mapilit si mang Roman. Nakita ko sa dingding ang mga nakakwadrong larawan… siguro family picture nila yun, sa ibaba ay picture ng lalaking nakatoga katabi nito ang isang kwadro rin ng babaeng nakatoga din… siguro mga anak nya. Malinis ang mga kwadro, halatang kapupunas pa lang at parang ayaw maalikabukan man lang.

Tama ako, sabi ni mang Roman anak nga daw nya yun. Inilapag nya ang kape, mejo hindi malinis yung mug pero nakakahiya naman kung tatangihan ko at isa pa nilalamig na rin ako at malakas ang ulan, gusto ko ring mainitan ang sikmura.

“ kung gusto mo anak… ano nga ba uli pangalan mo? “ tanong nya sa akin, “ Jun po”, sagot ko naman. “ kung gusto mo Jun eh sayo na lang yang mga gamit ko, wala na rin namang gagamit nyan dito… gamit ko dati yan ng driver pa ako ng dyip pero mahina na ako ngayon Jun, di ko na kaya na magdrive pa uli.”

“ naku wag na po, meron po ako nasa hiraman nga lang kaya di ko nadala, asan po mga anak nyo?” tanong ko

“ Si Danny, Engineer ko yan… may pagmamalaking itinuro ang litrato sa ding-ding… nasa Saudi na ngayon, yan naman babae sa litrato si Juvie yan… nakapag asawa ng taga Davao at doon na nanirahan… yun naman asawa ko limang taon na akong iniwan, nag-iisa na lang ako dito eh… kahit nga mahirap kinakaya ko. Itong bahay na ito kasi ang kaisa-isang ala-ala ko ng aking pamilya, dito ko binuhay ang asawa ko at ang dalawa kong anak. Pinagbili ko na rin yung jeep ko, okay na naman napatapos ko na ang dalawa kong anak at may maganda na silang trabaho, may sarili na rin silang pamilya at bahay, maayos na ang buhay nila”.

“ Hindi po ba sila dumadalaw dito, I mean po… sino pong tumitingin sa iyo dito, mahirap po ang mag-isa lalo na at may edad na kayo?”

“ isang taon na siguro na walang dumadalaw sa akin dito, minsan tumatawag naman sila sa telepono… kahit nga di ko masyado ginagamit yang telepono eh ayaw ko ipaputol ang linya, araw-araw naghihintay ako sa tawag nila… yung kahit boses lang nila masaya na ako, basta maramdaman ko lang na naaalala nila ako. Mababait naman ang mga anak ko, buwan-buwan may natatangap akong pera sa bangko, pero di ko naman ginagalaw… pag-namatay ako kasama yun sa ipapamana ko sa mga apo ko. Yung kapitbahay jan sa kabila, tuwing umaga binibisita nila ako at dinadalhan ng pagkain, nagbibigay na lang ako sa kanila ng konting pera pamalengke”.

“Hindi po ba kayo nahihirapan?”

“ mahirap iho, lalo na pagnakakaramdam ako ng pananakit ng katawan… pero siguro ito ang buhay ko, pag may nasakit sa akin iniisip ko na lang na bunga ito ng walang tigil kong pagtratrabaho noon upang mapatapos ko ang mga anak ko tapos mawawala na ang sakit. Yung ala-ala ng masayang buhay namin noon ang gumagamot sa akin, sana nga lang minsan maalala naman nila akong dalawin dito, gustong-gusto ko na rin silang makita lalo na ang mga apo ko. Masarap siguro yung mga araw na kasama ko sila dito, alam mo ba si pareng kanor jan sa kabila, hindi nya napag-aral ang mga anak nya kaya hanggang ngayon sa kanya pa rin nakatira… kaya lagi nyang kasama yung mga anak nya at mga apo…. Mahirap yung buhay nila, minsan walang trabaho ang mga anak nya… yun ang ayaw kong mangyari sa mga anak ko, gusto ko maayos ang buhay nila… pero alam mo, Masaya si pareng kanor, lagi ko syang naririnig na tumatawa kalaro ang mga apo nya… minsan naiingit ako, iniisip ko na lang na mas masaya ang mga apo ko sa buhay nila ngayon”.

“ paano po pag may sakit kayo, sino po ang tumitingin sa inyo?”

“ kapitbahay jun, sa kanila na rin ako nagpapabili ng gamot… sapanahon na may sakit ako doon ako nakakaisip ng matinding depresyon at pangungulila, sa totoo lang ay nagtatampo ako sa mga anak ko, pagkatapos ko silang mahalin at bigyan ng magandang buhay ay hindi na nila ako naalala na dalawin dito… kahit dalaw lang o tawag sa telepono, yung marinig ko lang na…. o tatay buhay ka pa ba? masaya na ako nun… pero iniisip ko rin na responsibilidad ko na bigyan sila ng magandang buhay at papagtapusin ng pag-aaral at responsibilidad ko rin na maging mabuting ama sa kanila… alam ko hindi na magtatagal at magkakasama na rin kami ng asawa ko, hiling ko lang na sana bago mangyari yun ay makasama ko ang mga anak at apo ko.”

“ ayaw nyo po bang tumira sa kanila?”

“ magiging pabigat lang ako sa kanila, ayaw kong bigyan ng isipin ang ang mga anak ko, dito na lang ako sa lumang bahay namin, bibilangin ang mga patak ng ulan, siguro pagkatapos ng isang libong tag-ulan maalala na rin nila akong dalawin dito. Alam mo bang birthday ko ngayon jun? kaya matyaga akong naghihintay ng tawag nila. Kung hindi naman sila makatawag iisipin ko na lang na siguro ay busy sila sa kanilang buhay… mahirap kumita ngayon at kailangan nilang magtrabaho ng hindi naabala”.

Napalunok ako saa king mga narinig, naawa ako sa kanya…
“ Ikaw Jun, may magulang ka pa ba?

“ Nanay ko na lang po, nasa bukidnon kasama ng isa niyang kapatid.”

“ kailan mo sya huling dinalaw?” tanong nya… hindi ako nakapagsalita, huli akong pumunta sa bukidnon noong pasko… malapit na naman ang pasko hindi pa uli ako nakakapunta doon.

“ sana madalaw mo uli ang iyong magulang Jun, sigurado ako… gustong-gusto ka na nyang makita katulad ng kagustuhan kong makita ang mga anak at apo ko… subukan mo, alam ko magiging maligaya sya”

Tumila na ang ulan, nagpaalam na ako, nagpasalamat… nagpasalamat din sya sa akin, nakita ko sa mga mata nya na talagang sabik sya sa kausap, sabi nya ay magkwentuhan pa kami habang hinihintay ang tawag ng mga anak nya pero dumating na yung hihila sa kotse ko papunta sa talyer. Nangako na lang ako na dadalawin ko sya pag may libreng oras ako.

Dalawang lingo ang dumaan at naisipan ko uling dalawin si mang Roman pero sarado na ang bahay… nagtanong ako sa kapitbahay nila at nalaman ko na namatay na si mang Roman tatlong araw ang nakakalipas, pagkatapos paglamayan ng dalawang araw ay dinala na ng mga anak nya si mang Roman at pina-cremate. Aalis na sana ako pero pinigilan ako ni mang Kanor, iniabot nya sa akin ang isang bag, yun ang bag na pinahiram sa akin ni mang Roman…

“ bilin ni Roman ay ibigay ko raw syo kung sakaling babalik ka, kakailangan mo daw ito sa pagbalik mo sa Bukidnon, baka ka daw masiraan sa daan”.

Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko, ramdam na ramdam ko ang pangungulila ni mang Roman sa kanyang mga anak at apo. Nagdesisyon ako, magfifile ako ng leave… uuwi ako sa Bukidnon para dalawin ang nanay ko, tama si mang Roman tiyak matutuwa yun pag nakita ako.

Mensahe ng isang magulang:


Anak.., kung nasaan ka man sana maalala mo ako
Sana dalawin mo ako kahit minsan lang.
Sabik na akong makasama at makausap kang muli.
Kung may pagkukulang man ako… patawad anak,
Gusto kong malaman mo… mahal kita higit sa pagkakaalam mo...

Sa mga anak n katulad ko:
Paki share nalang po para makatulong at maalala nila ang mga magulang nila..



Clyde Miguel Casareo

Lunes, Setyembre 9, 2013

Ngayon alam ko na

Birthday ngayon ni Second Love.


I shall never forget her. We've met on unexpected times, have an unexpected relationship. Well, matagal na pala kami magkakilala. We know each other's name by then and that's it. Nagkakasalubong sa corridor, nakakagitgitan sa canteen, nakakasabay sa pagpasok ng school gate pero hindi nag pansinan mga kaluluwa namin. We have common friends, but we are not friends. 

Then time passes by swiftly. Nakilala ko ang aking first love, naging kami for seven years, nagkaroon ng anak and almost got married. 'Almost' until I discovered her infidelity and that lead us to hiwalayan blues. That started my personal version of ''Dark Ages''.

Ang hirap mag move-on. For seven years na naging kayo ni FL, na nasanay ka na laging andyan sya tapos biglang mawawala. Mas naging mahirap, lagi mo naiisip ang 'dahilan' kung bakit natapos ang lahat. Kung masamang tao lang ako siguro nakagawa na ako ng krimen nung panahon na iyon. Mabuti na lang, that I have friends na tumutulong sa akin lumimot. At ano pa ba ang mabisang paraan ng paglimot. Eh di, ang mag inom. Halos araw araw ako nainom. At yung worst na attendance ko sa office, lalo pa naging malala. Mabuti na lang din at hindi ako natanggal sa trabaho, hehe.

Madami ang nagbigay ng payo, na madalas pinakinggan ko lang. Dito ako natuto manuod ng chick flicks at korean films. Dahil sabi ng nagpayo sa akin, ''manuod ka ngmga love stories, oo maiiyak ka, maalala mo sya, pero kakapanuod mo, magiging manhid ka na sa alaala''.

At mukhang naging epektib naman, lalo na ng mapanuod ko yung movie ni Will Smith na Hitch. Medyo kumuha ako ng mga da moves dun sa movie, certified torpe kasi ako nuon eh. Naging libangan ko din ang pag text, sumasali pa ako sa mga text clan nuon. At sumasabog ang inbox ko sa mga walang sawang gm ng mga members. Duon ko nadevelope ang habit na morning text, or ang popular na tawag ng ilang textmate ('',gandang umaga,") quotes. Lagi kasi merong ('',gandang umaga,") at end of every quote na pinapadala ko tuwing umaga.

Dahil na din sa text at Friendster (hindi pa uso Facebook nuon), nagkaroon ako ng ilang girlfriends but that's just to satisfy my needs mostly FWB (friends with benefits) lang. Dahil natakot na ako sa commitment. And unfair din sa kanila if I commit myself to them without any emotions involve. I started to enjoy my singlehood, walang commitment, you can go wherever you want, magpuyat ng walang humpay at maginom hanggang may tagay.

Dahil madalas akong lasing kapag nauwi, madalas din ako malaslasan ng pantalon at mawalan ng cellphone sa bus. At dahil dun nahingi ulit ako ng number ng mga contacts ko thru Friendster pa nuon. At dun ko nalaman number ni Second Love. And that time isa na siya sa napapadalhan ko ng ('',gandang umaga,") quotes. At first receiver lang sya, paminsan minsan magrereply lalo na kapag joke yung pinadala ko. 

Then one day bigla na lang kami naging constant textmate, lagi ko hinihintay ang text nya every morning and hinihintay ko din ang good night nya gabi gabi. Halos pangalan na lang ang nya laman ng inbox ko. To make the story short naging kami. Hindi ako naniniwala nuon pero sa kanya ko ulit naranasan ang kilig o spark na sinasabi nila. But we have to kept our relationship a secret. Yup, we have a forbidden love, she's married. But that doesn't stop us that time. Masyadong intense yung feeling namin sa isa't isa para mapigilan namin ito. We have limited time kapag nagkikita kami. So, we just eat, pasyal ng konti, nuod ng movie then uwi na. My favorite part was our bus rides, during those trips na hinahatid ko sya pauwi, duon nagiging intimate kami. Kiss, holding hands cuddling and yung kwentuhan namin habang matrapik sa EDSA. She talks a lot, but when it my turn to speak, she listen, yun ang isa sa nagustuhan ko sa kanya. She's a good listener, kaya hindi namin napapansin ang trapik dahil we have a lot of topic on or conversation, hindi kami nauubusan. Every day she will call me wake me up at four in the morning, and ako naman ang tatawag sa kanya, dahil unlicall ang line ko. And we will have this conversation up to 7 a.m. And every week I'll send her email, love letters na matagal ko nang hindi nagawa.

But more than the conversation, it was her love for me that time that brings me back to my senses. Muli akong "nabuhay" dahil sa kanya. Even though she's married, hindi niya ipinaramdam sa akin na may kahati ako. She even accept and like my son. That's one thing about her, yung pagiging thoughtful niya, and maasikaso kapag magkasama kami. She enjoys the simple things, spaghetti lang solve na sya (her favorite), paano pa kaya kung may french fries and sundae na kasama. 

But as we know it from the start, that our love will lead us to nowhere. We just enjoyed every single moment na magkasama kami. During our bus rides, naitanong ko kung bakit kami nagtagpo, anong dahilan kung bakit pa kami nagkakilala at alam din namin from the start na may katapusan ito. Wala akong karapatan para ipaglaban ko ang pagmamahal ko sa kanya khit gustuhin ko man. 

Then after 202 days (mala 500 days of summer lang), we parted ways. It was both our decision, for the greater good of mankind. We stopped our communications although we remained friends on facebook. No more text (she change her number), no more emails. There was a hole in my heart where she used to be. Bigla na naman ako nag-isa. Nawalan. And I keep asking kung bakit kami nagtagpo. Sabi nga nila We don't meet people by accident. They are meant to cross our path for a reason. And searching for that reason.



Present day. 

It's been years since we parted ways, and nagkaroon na rin ako ng girlfriend for 2 years and didn't work out as well. Bihira ko na lang maalala si Second Love. Until I stumble upon this blog of AJ Perez. Si Second Love.

Dito ko nabasa ang reason kung bakit kami pinagtagpo. Ngayon, nagpapasalamat ako at nakilala kita. At sa konting panahon na naging bahagi ka ng buhay ko, malaking impact ang nagawa mo. Tinuruan mo ako magmahal muli at higit duon tinuruan mo ako magtiwala mulit. Dahil sa'yo mararanasan ko umibig at mahalin muli. 










at para sa mga hindi pa nakakabasa:


by: AJ Perez




Imortal ang first love. Ang dami nang storya’t tula ang ginawa dito at madami nang kantang inalay para sa kaniya. Hindi ko naman din masisisi kung bakit sikat ang first love, dito natin naramdaman ang kilig ng unang pagmamahal, at para sa mga madiskarte at mga madaling madiskartehan, ang tamis ng unang halik. (Apir!)


Ang first love kasi ang unang telenobela ng buhay mo. Isa sa inyo Jericho at isa sa inyo si Christine. O sige, baka hindi maka-relate yung ibang nagbabasa, isa sa inyo si Coco, isa sa inyo si Julia. Hindi pa rin makarelate? Okay, isa sa inyo si Nora, isa sa inyo si Tirso. Ayan, multi-generational na ang reference ko, wala naman sigurong hihirit ng Jose Rizal at Leonor Rivera dito.


Dahil ito ang unang telenobela ng buhay mo, naniwala kayo sa konsepto ng magpakailanman at “happily ever after.” Ito yung mga panahon na iniimagine mo kayo ng sweetheart mo na naghahabulan sa luntian at madamong burol, na nakasuot si boy ng puting kamisa at maong at si girl na naka all white na sun dress, na habang nagtatakbuhan, sumisigaw si girl ng pangutya na “Habulin mo ‘ko! habulin mo ‘ko!” at kapag siya’y nahuli na ay bubuhatin ni boy sa baywang at kaniya itong iiikot habang malakas ang hangin at bigla kang magigising nung sinigaw na ng teacher mo na “Class, finished or not finished, pass your final exam papers!”


Pero kay first love din natin naramdaman ang pait ng unang hiwalayan. Alam ko, noong naghiwalay kayo nung first love mo, sobrang sakit ng dibdib mo. Para kang nalulunod sa emosyon na di ka makapaniwala. Na sa pagtulog mo, umaasa ka pa rin na bukas, magiging kayo ulit. Ang kalungkutang sanhi ng paghihiwalay niyo ng unang mong pag-ibig ay isa sa mga pinakamasakit na kabanata ng ating buhay. It’ll be one of the most painful episodes of our life, kasi hindi natin alam kung ano ang ating gagawin at paano magreact, at ang pinakamahirap, paano mag move on ng wala siya.


Pero dumating ang panahon – para sa iba buwan ang nakalipas, sa iba naman taon ang tumagal, at sa mga malandi ilang araw lang – na may isang taong dadating na magbabago ng storya mo.


Si Second love. The second time you fell in love, it felt very different. Yung first love kasi parang pangarap, pero yung second love parang pag-asa, second chance ika nga. Nagdadasal ka na sana, natuto ka na sa mga trahedyang nangyari sa iyong unang pag-ibig at huwag na maulit kay second love.


Pero dahil tao tayo, hindi natin mapigilan ang maikumapra si second love kay first love. Pero normal naman yun, natural lang yun. Mapapansin mo ang mga maliliit na bagay katulad ng ganito: Si ex, OC mag text, pero si next, jejemon. Si ex lagi akong nililibre, si next nangugutang pa sa akin, yung mga ganung bagay ba.


At parang magkaka-amnesia ka pa sa second love mo: Paano nga ba ulit makipag-date? Ako ba ang susundo o magkikita na lang kami sa sakayan ng jeep? Ihahatid ko ba siya, o bibigyan ko na lang siya ng pamasahe pauwi?


Pero sa kasamaang palad, sa sarili kong istorya, hindi kami nagkatuluyan ni second love ko. Hindi ko nga niligawan, kasi nerd pa rin ako noon (“Di na natuto” -Apo Hiking Society). Pero hanggang ngayon naaalala ko pa si second love ko. 2005 ata yun, call center boy pa ako noon. Teammate ko siya. Sabi nila, yung mga babaeng iibigin mo ay laging naka-pattern kay first love, kesyo pipili ka ng kamukha niya, ka boses nya, kasing singkit niya, pero sa maniwala kayo o sa hindi, ibang-iba si second love kay first love ko. Mas ‘woman’ si second. Ewan ko kung anong ibig sabihin nun at bakit ko sinabi yun. Kaso, hindi ko siya naligawan kasi meron na siyang iba noong mga panahon na iyon, at sa kasamaang palad, girl din ata yung kasintahan niya. Kaya nga daw ang tawag sa kaniya ng mga ka-teammate namin ay “Lulu” hanggang ngayon di ko pa rin maintindihan ang rason bakit siya tinawag na Lulu.


Excited ako na pumasok sa office kasi makakatabi ko na siya. At naaalala ko ang perfume nya, Clinique Happy. Kaya pala hanggang ngayon siguro, yun pa rin ang brand na ginagamit ko na perfume. Lagi ko din siya kinukulit noon, picture-picture, picture kunwari pero naka video pala, akala niya nagkukulitan kami, pero di niya alam, naka save lahat sa hard drive ko noon yung mga pictures nya. Salamat old school Sony Ericsson T610! Naaalala ko din, may team building kami sa Puerto Galera at nung gabi habang nag-iinuman kami sa beach ng buong team, tumugtog sa speakers yung kanta ng Pussy Cat Dolls, yung “Don’t Cha.” Yung may lyrics na “Don’t cha wish your girlfriend was hot like me…” Tapos bumulong sa akin si Lulu, “Yan ang themesong mo sa akin, ano?”


Gusto ko sanang sumagot noon. “Oo, kung di mo lang alam.” Pero sayang.


Hay, kahit papaano, salamat pa rin sa iyo Lulu. Pati na rin sa lahat ng mga Lulu (second love) sa buong mundo. Dahil sa inyo natutunan namin ang isa sa mga pinakaimportanteng leksyon ng buhay: It’s not the end of the world when you split up with your first love because you can fall in love again. Akala ko buong buhay na ako magiging alipin ng pagkawala ko ng una kong minahal pero pwede pa pala ako magmahal ulit. Pwede pala akong mangarap at mainspire ulit. Puwede pala akong sumaya ulit.


At mula kay second love, dumating si third love, si fourth love at si etcetera.




Pero Lulu…at sa mga iba pang Lulu sa mundo, salamat talaga ha, pinalaya mo ako sa aking nakaraan.




“One’s first love is always perfect until one meets one’s second love.” – Elizabeth Aston




dahil kay Second Love nagawa ko ang facebook page na ito Uso din mag move on, try mo! :")